MagTananTayo

Ginawa nmin mag-asawa tong blog hinde para ibuyo ang dalawang nagmamahalan pra magtanan kundi para makatulong, kapulutan ng aral at inspirasyon base sa experiences namin ng kami ay 2 beses magtanan.

Subscribe

Happy 20th Birthday!!!!!!!!

Posted by kilrhoy on Tuesday, October 7, 2008

Bilis ng panahon talaga ngaun...teka luma ng linya to.....parang kelan lang...luma na din...hirap naman mag-post kapag may pressure hinde dahil sa wala akong masabi kundi nakatingin ako sa orasang nakasabit dito sa computer shop kasi pang-isang oras lang ang pera ko at kelangan ko pang magpa-load ng kinse pesos pang-sulitxt...=>
Habang daan kabisado ko pa mga itatype ko..actually kanina pa ko excited mag-post dahil sumabay ang malakas na ulan kanina at sobrang nag-enjoy ako sa pagtatapon ng tubig mula sa mga sahod namin sa mga tulo sa bahay ngayun ko lang na-ipost...
Bertdey na ng babaeng nung una ko pa lang makita sabi ko na sa sarili ko "ung babae na to mas maganda paglaki (kasi dat time 15 or 16 years old lang siguro sya..) kung may mag-aalaga lang sa kanya ng totoo at darating ang araw makikilala ko din siya at magiging akin...wala lang sa loob ko pero seryoso ko habang nakaupo sa park nun at kasama mga tropa ko...may anghel nga atang nakarinig sa akin non dahil nag-dilang anghel nga ata ako at a year later lang nakilala ko nga siya at syempre naging kami nga! Naka-2 tanan kami at nag-kaanak ng poging poging bata...c Raz!
Ayaw ko maging "emo" o maging senti bertdey kasi nya at kahit di kami magkasama sa iisang bubong e sasalubungin ko ang bertdey nya ng isang mainit at bagong salang na kape!!!
Kahit inutil ako at walang na-produce na regalo sa kanya i hope na sana ma-appreciate nya tong munting pamamaraang naisip ko para batiin sya sa blog namin.
Ma..mahal na mahal na mahal kita at kahit na ilang beses ko pang ulitin sayo ang salitang yan na kung ilang libo ng pinabaduy sa mga pelikula at mga kanta e sana kiligin ka pa din lintek ka. hahaha. Sana mapasaya ka ng post ko na to at yung mga makababasa at nagbigay ng oras para basahin ito gusto kong maramdaman nila kung gaano at paano kita minahal. Tagay pa!!!!=>
Salamat sa understanding kahit na pangkaraniwan na sa atin ang away at naging libangan ko na ding awayin kita salamat po at andito pa din tayo. Patuloy pa kitang mamahalin at mamahalin kahit mag-sawa ka pa sa akin. I love you po...mahal na mahal ka namin ni raz. We love you. Mmmmmmwwwwaaaaahhhhh!!! luv u luv u po. Hapi bertdey ulet. (pa-burger ka naman...burger! burger!!!)
sige po time na ko ganun kabilis ang oras dito sa planet chupol.

Rykel Raz F. Asugas

Posted by teta on Tuesday, July 29, 2008

Eto ang aming baby. March 28,2008 ng pinanganak ko siya. 1 year and 4 months na siya ngayon. Naku madaming kakulitan ito sa buhay niya, kaya naman mahal na mahal siya ng mga lola at lolo niya. Sa side ng mama niya, 2nd siyang apo. Tatlo sila dahil magkapatid yung dalawa, pero kahit naman ganun eh bawat isa sa kanila eh may trademark na ugali. Kaya mahal na mahal nga silang tatlo..

Sa papa naman, ay naku, 1 and only to.. Kaya sunod lahat ng layaw, tsinelas, damit, pagkain, lahat talaga ng gusto binibili. Kaya yun, maliit palang kitang kita ng spoiled ang aming unico hijo..

Kagaya nga ng nasabi ko eh madaming kalokohan 'to sa katawan. (kanino pa nga ba magmamana?-kilrhoy) Mahilig manood ng tv, tapos may comment siya sa lahat ng commercial, e di pa naman marunong magsalita, di ko maintindihan sinasabi, kaya umaayon na lang ako sa kanya. Favorite niya yung colgate commercial, MGA colgate commercial! Gusto din niya yung mga commercial na may bandang kumakanta (di na nakakagulat..-kilrhoy), Clear shampoo, CreamSilk, yung ginisang gulay! Grabe talaga.. Yung "happy birthday!" ng axe, yung mga commercial na may mga baby..

Madalas din pag napagtripan niyang magkwento ng magkwento eh talaga namang walang puknat yun. Kaso nga lang di ko nga maintindihan. Haha. Interests naman..

Sobrang hilig niya sa mga toy cars, kahit anung may gulong gusto niya. Alam niya kung saan nakatago ang mga remote control na kotsi-kotsihan. Kaya yung youngest niyang pinsan lagi niyang nakakagalit dahil parehas nila gusto yung mga umaandar na bagay.
Mahilig din siyang maglaro ng cellphone, kunwari may tinatawagan. Yun madaldal paren..
Sad nga lang kasi hindi siya masyadong nagkakakain. Di siya mahilig, maaga ko pa naman siya tinuruan kumain ng solid o may body na pagkain. Yun simula ng nagka-pneumonia (severe) siya e nawalan na din diya ng appetite. Yun sayang..
Mahilig din maglaro sa labas kasama ang ate (niece namin.-kilrhoy) niya. Minsan hinahayaan ko din maglaro sa lupa kaso limited time lang, masyado pa kasing bata, pag pinasok ko na siya sa loob e siguradong magaaway kami.
Very happy baby, simula ng pagkabata niya eh hindi niya kami pinahirapan. Siyempre minsan nagttantrums pero normal lang, lalo na pag sleeping time na, wala kang magiging problema basta tatabihan mo lang siya. Sila lang madalas magkagalit ng papa niya eh. Pero sila lang din naman ang naglalaro. Kahit nung baby siya e nagka post partum depression din ako siyempre sa tulong din ng asawa ko at families namin eh nakaget over ako at swerte ako na masaya baby ko despite of what we went through ng papa niya. Db papu? (yes naman, lahat na ng pinagdasal ko na maging ang anak natin e natupad diba..-kilrhoy)

WE LOVE YOU RYKEL RAZ! YOU TAKE CARE. MAY GOD GUIDE YOU ALWAYS!

"Pag-ibig sa Bayan-bayanan ng mga Aeta"

Posted by kilrhoy on Monday, July 28, 2008

Kanina habang nagluluto ang Nanay ko nagkkwentuhan kami habang habang nilalaro ko yung peborit nyang alaga si "bale" .(isa po syang cute na pusa na pinanganak na bali yung buntot.-teta) Naikwento nya sakin yung pagpunta nya sa bayan-bayanan ng mga Ita o Aeta. Wala po kaming lahi ng mga Aeta ha. Napunta lang sya dun baka mamya eh isipin nyo umbagin ko kayo. Hahaha. Eherm... Nung nsa Mariveles (Isang bayan sa Bataan province.-teta) pa siya (Note: birthplace po ng mister ko yan.-teta) inaya sya ng close-family-friend nmin na si tiyang Yolly isang public servant dun at kasalukuyang baranggay kagawad ngaun dun para mag-attend sa fiesta ng Biyaan (ang bayan-bayanan ng mga Aeta kung tawagin dahil nga sa iyon ang kanilang lugar na kinamulatan mula pa nuong mga ninuno nila. Tama ba ako papu?-teta) At may kasalan ng mga katutubong Aeta dun at may partisipasyon ata si Tiyang Yolly dun. Excited ang mga lola natin at kumaripas na ng takbo dun at hindi na mga nagsikain at may mga handa naman nga duon.

Padating nila napakaraming tao na. Halo-halong nasyon ang mga andun. May mga "pute" o mga misyonaryong Amerikano, mga "unat", tawag nila sa mga taga-kapatagan, mga katulad nila ding katutubo na galing sa ibang bayan at mga taong mga may kinalaman at walang kinalaman na andun para mag-usyoso at makialam ng mga handang pagkain ibig sabihin para makikain. Sino ba naman hindi gugutumin e merong Litsong baboy-ramo na ilang araw din sigurong hinanting ng mga katutubo sa kabundukan (hiningal lang kaya inabutan at inatake sa puso yung baboy sa katabaan.-teta) mga isdang malalaki na bagong huli sa dagat at mga ilog, yung mga exotic foods like "adobong sawa", "adobong bayawak" at mayron pang lutong unggoy na hindi ko ata masisikmurang kainin kahit pitpitin mo pa yung "akin".

May mga ikakasal palang mga katutubo nung araw ng fiesta na yun. Ikakasal sa paraan ng mga Katoliko. (converted na pala karamihan o halos kalahati na ng populasyon nila?-teta) Siguro po mamu. Pero bago ikasal ay nagkaron muna ng re-enactment kung paano ikinakasal sa pamamagitan ng kanilang katutubong tradisyunal na paraan kung saan may hawak na pana yung lalaking Aeta at habang yung babaeng Aeta naman ay nagtatago sa kagubatan. Hahanapin ng lalaki yun hangang sa magkita sila. Medyo nagmamadaling magkwento si nanay at panay ang biling dun sa piniprito nya habang ako naman ay titig na titig sa ulam na parang gusto ko mamapak kaso baka umigkas ang kamay ni nanay. Hahaha.

At eto na exiciting at magandang eksena dun kung saan humanga din ako sa pagtitinginan at pagmamahalan (Naks!-teta) nung mga bagong kasal na mga katutubo...nung sabihin na nung pari na "pede nyo nang halikan ang inyong mga asawa" sabi nung babae "o hahalik ka na naman eh kakahalik mo lang kagabi!", sabi naman ng lalake "kelangan kitang halikan sabi nung pare.." hagalpakan ng tawa yung mga andun pero nagpahalik naman yung asawa. at yung kabilang bagong kasal naman daw ayaw paawat at parang nuon lang naka-halik at di mapaghiwalay. Sabi nga nung andun e baka dun pa daw sa harap nila mag-honeymoon yun. Lintek eka at baka dito pa mag-derby yan. (Gawin daw bang manok!-teta)

Natapos ang okasyon ng maayos at masaya ang mga tao habang nilibot nila nanay yung lugar ng mga katutubo. Nagulat siya dahil moderno na din ang mga ito. Mayron na silang mga tv,karaoke,dvd player at higit sa lahat celfone! Saan ka pa sakay na! (Wow! Susyalen!-teta)

"Dumarami ang Bastos!!!

Posted by kilrhoy on Friday, July 25, 2008

After work inaaya ko pumunta c teta sa japengke (tawag nming magpipinsan sa palengke-teta) pedeng lakarin at mahirap nmn mag-abang ng tricycle kpag medyo late na just to buy DVDs sa mga muslim, (wala eh can't afford sobrang mahal na kase mga bilihin kaya mejo tipid tipid muna-teta) chips o chitchirya any junk foods sa syete-elete (711-teta) o pagkain sa rekta (point-point/turo-turo!-teta) at pagpunta sa Pipoy isang popular na kainan sa town nmin.

Minsan after namin kumain sa pipoy may nadaanan kaming grupo sa isang lugawan at habang naka-akbay ako sa misis ko (at nakakapit naman ako sa baywang nya-teta) napansin ko na yung grupo na yun ay naka-tingin sa amin at nakangisi pa na parang mga nakaloloko. Nginunguso pa kami ng isa at ang titig kay teta ay parang isang asong ulol na nag-aantay makapon. Syempre asawa ko kaya natural na mag-react ako (kaso madami sila eh. hehehe-teta) kaya ng matapat kami tinitigan ko sila isa isa (tapang!-teta) at hinde na kumibo yung isang kasama pero yung isang kasama na parang sumipsip ng susong pilipit ang nguso tuloy pa din sa pagtuturo sa amin. Tinabihan namin ng misis ko yung kakilala namin na nakaupo sa di kalayuan at tinuro ko yung grupong nagpainit ng ulo ko nang oras na yun. At ng mapansin ng isa sa kanila na tinuturo ko sila sumunod na paglingon ko wala na sila dun (ni hindi na nga ata mga nag-bayad ng lugaw yung mga yun. hahaha!-teta) mga nagpulasan na siguro ng maka-amoy ng trouble. Palagay ko mga lasing o ano na dumayo pa para lang mag-trip eh kakain lang naman ng lugaw. Hindi naman bastusin ang suot ni teta (nagandahan siguro sakin. haba ng hair ng lola mo! hahaha. Pis yo!-teta)
Nung nag-aaral naman si misis sa AMA QC at pauwi na ng dorm may nadaanan siyang lalaki na tatay na daw ang edad at sinabihan siya na "ang laki naman ng d#d# mo. (Oo! natakot ako nun!-teta) Buti na lang at hindi siya hinipuan o kaya hinatak sa dilim at tinutukan at hinalay tapos pinatay pa sya at chinapchop tpos kinalat pa yung mga body parts sa lahat ng parte ng kyusi tapos wala kaming kaalam alam na siya na pala yung pinapanuod namin sa TV patrol at SAKSI na natagpuang chop-chop lady..wala kaming kaalam-alam na ganun na pala nangyari sa kanya at kelangan ko na pala ng bagong gelplen! Huhuhu! (WALANGYA! Pinatay mo na ko eh pinalitan mo pa! Grrrrhhh!-teta) dyok lang! init ng ulo...=) Kundi ba naman manyak yun eh mas may dibdib pa ko kay (may sinasabi ka???-teta)....kay batman po...mas may dibdib pa ako kay Batman.=) May sumbong pa siya sa akin na minsang kakain silang mag-pinsan sa SM food court may tumadyak sa kanyang lalaki. (Huhuh! wala naman ako ginagawa tinadyakan ako bigla sa tagiliran..napakawalangya nya! Dumami sana kuto nya sa ulo at tangayin siya.-teta) Anu ginawa mo nun ma? (pinagmumura ko! yun lang kaya ko gawin e.-teta) Nakakapanginig nang laman mga taong ganun, grabe!

May nakikita naman akong sira-ulong lalake na namamalimos sa palengke (ayaw pa sabihing kalugar mo yun! hahaha-teta) na bukod tanging mga babae lang ang kinakalabit nya at kapag hindi siya nilimusan eh manghihipo ng pang-upo! Ayaw lang patulan ng mga kasamang lalake yung pulube kasi nga may "sayad". Tsk. Pati sira-ulo nagiging bastos na din.

Sino ba dapat sisihin sa mga ganyang pangyayari sa lipunan natin at kung bakit dumadami ang mga ganyang insidente sa ating lipunang ginagalawan?

Dapat ba nating pukulan ng sisi yung mga babaeng nagsusuot ng mga short na maikli? Yung mga babaeng naka-mini skirt na halos makita na yung bakas ng pawis sa singit nila? (napansin mo pa yun? talaga naman!-teta) Sisisihin ba natin yung mga girls kapag nagsusuot sila ng spagetti na nakalimutan pa atang mag-ahit ng kanilang under arms bago rumampa sa kung saan? teka sino ba kilala kong ganun?..hehehe! (Hoy! baka ako ituro mo eh ipipirmi ko na yang edad mo!-teta) Aww!! O yung mga babaeng litaw ang pusod na kahit nag-babato na yung libag eh hihikawan pa para nde mapansin yung dumi? (yakk!-teta) O silang mga nagsusuot ng mga revealing na damit na parang nag-aaya ng eyebol sa kahubdan ng gabi?

Dapat bang isisi sa mga kabaro ko na nakakabuntis makatingin? (Oo kayo yun!-teta) Sabagay, walang titingin kung walang nagpapakita at makikita di ba? (katwiran nung iba sa amin eh kung may ipapakita ka naman eh why not!-teta) Ano ba kasi problema kung magsuot ng mga daring at attractive? Paano kung uso yun? Kung yung ang "in" sa society? (titignan nyo ba babae kapag negative 5 ang score?-teta) Hindi! Susukahan ko siya at lahat ng kinain ko ng buong isang linggo e isusuka ko. haha. jowk lng po!

Nasa parehong panig naman yun eh. Be proud kapag may tumitingin at nakakapansin senyo at napapabulalas pa nga minsan ng "syete! ang sagwa este ang lufet ni inday este ni ate! Kaso minsan ang problema namimili ang mga babae na kapag di nila trip yung nangigigil ng tingin sa kanila iirap-irap pa at parang naiinis at kapag pogi at mukang crush ng bayan kahit mukhang bading naman (insecure lang kayo! hehehe-teta)nde nila alam eh ok lang babagalan pa ang lakad. Namimili ga!

Yung sa isyu ng media...wala tayo magagawa sa kanila kasi trabaho nila yun at katulad ng mga magulang natin at tulad naming pamilyado na kailangang may pambuhay sa mga anak at para sa hinaharap.

Bakit naman sa ibang bansa hindi naman pinapansin yung mga ganun sa kanila? Duon malaya ang mga citizen nila. Free isuot yung mga damit na gusto mo at porma ng walang masyadong pumupuna. (Paano gagawin natin iba ang kulturang pinoy.-teta) Madali't-sabi nasa Pinas kasi tayo. Ang mahalaga ay maging proud ka anu man ang suot mo..anuman ang maging itsura mo maging katawa-tawa ka man sa paningin ng iba o kahali-halina sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. amen. (Wag nyong intindihin ang mga negatibong reaksyon.-teta) Hayaan nyo na lang na tumulo ang laway nila at gumulong sa lupa ang malisyoso nilang mata katitingin sa inyo!

Noong pangalawang pagtatanan namin, eh talagang pusupusan nga ang paggawa namin ng baby. At dahil hirap nga akong magbuntis, eh nahirapan din kaming gumawa (opo, talagang sinadya namin gumawa at di nagtanan dahil buntis si misis!-kilrhoy), 2 months din namin tinry (pwera pa nung magboyfrend kami-kilrhoy), at sa wakas nung June 21,2006 ay nadelayed na nga ako. Nung una e wala naman kaming idea kung ano ba ang pakiramdam ng buntis. Hanggang sa nagFT (fregnancy test, may narinig lang ako na nagkkwentuhan nung college ako, nagfregnancy test daw..) ako at yun nga! (positive!-kilrhoy). At yung araw ng paglilihi e dumating na nga. Sinabi ko sa asawa ko na nahihilo na ako, parang nainis pa siya at baka masyado ko daw inaanticipate ang pagbubuntis ko. At banat ko naman "palibhasa di mo nararamdaman yung nararamdaman ko." sabay cry ni lola! At yun na nga, nagsink in na sa amin na buntis nga ako. Ang dami ko na ayaw na pagkain. Pero mas marami yung gusto.. Saging, pero ngayon di na ko uli kumakain, naghahanap pa ko ng donut na may banana filling dahil alam ko nga meron nun. Nakatext ko ang pinsan ko tinanong kung talaga bang buntis ako o adik.. Nagustuhan ko din yung burger, gulay!, mangga, kamias, singkamas.. Mahirap talaga ang maglihi, tanong mo kay kilrhoy (oo napakahirap talaga lalo na kung lalaki ka). At dahil kasabay ko nga si Kris Aquino nung magbuntis, (2 months ahead si teta sa kanya-kilrhoy) sinabi niya na kapag gabi nagsusuka or yung usual na morning sickness e lalaki ung baby, kasi tuwing gabi ako magsuka. Hanggang sa dumating na ang 4th month ko, akala ko hindi na ko susumpungin ng hilo kaya naisipan naman naming magsimbang magasawa.Pagdating sa simbahan, hilung hilo na talaga ako, putlang putla at pawis na pawis! Hinimatay! Grabe yung araw na yun. (pero yun na pala yung huli at yung mga sumunod na araw e ok na siya-kilrhoy)..

Mga Important Dates!:

October 8,2006 -- nagdebut ako na preggy!
December 26,2006 -- 6 months na ako nun! Sa wakas e umuwi na kami sa amin! Kasama ang relatives ng si kilrhoy ko, tumulak na nga para ihatid kami dito.

Masaya naman ang buhay pagbubuntis ko hanggang sa dumating na nga ang Big Day!

March 27,2007 -- nagising at bumangon kami na napagkasunduang bumuli ng ingredients at magluto ng turon, at nung nagwiwi na ko e nakakita ako ng dugo sa aking panty! Aw!

10:00 AM -- nagstart na ko maglabor, masakit pero nawawala. Huminto ang bleeding ko.
Pumunta na ang aking midwife para ma-I.E. ako, matagal pa raw.
Lunch -- di ako nakakain sa sakit.
3-4:00 PM -- Nagluto ng turon, at nakasampu yata akech! sarap e. napagalitan ako ng midwife.
7:00 PM -- I.E. ulet, matagal parin daw, pwede pa matulog.

(Pasensya na kung wala akong pics, nabenta kasi yung fone na ginamit namin)

10:00 PM -- iyak na ako ng iyak sa asawa ko. Nakulitan sa amin ang midwife pero bumalik naman, to think na sa kabilang bayan pa siya nanggaling.
At dahil 6-7 cm na, manganganak na ako...

At dahil sa bahay lang ako nanganak, pinaglatag na lang ako at dun pinahiga..

MARCH 28,2007 -- 12:45 AM -- Lumabas na ang aming si Raz! Wiiiiiihhhhh! Ang hirap! Ang sakit!

7.3 lbs normal delivery. Opo dont worry buhay pa naman ako.. :p

Lahat Ng Bagay May Reasons, At Ito Ang Amin

Posted by teta on Thursday, July 24, 2008

Dahil nga ginawa namin to para marinig naman ang side ng mga nagtanan at hindi puro agrabyadong magulang ang bida (ginagawa na ngang telenobela ang ganitong karanasan sa mga palabas katulad ng Imbesigador, Women's Desk {Draw the Line na ngayon}, atbp.-kilrhoy), eh ni hindi man lang nila tinatanong kung ano ang dahilan ng mga nagtatanan o kadalasan, ang sinasagot nila e, "wala namang oras ang mga magulang namin sa amin.", madalas puro trabaho, may mga ibang asawa na rin ang mga parents nila.

Kami e simple lang, gusto naming matanggap rin kami ng buong mundo(nde naman krimen ang magmahal nagiging krimen lang kpag dinemanda ka ng mga byenan mo tulad ko! hahaha-kilrhoy)lalo na at handa naman ang asawa ko na gawin lahat para sa akin, (tama! pnu mo alam 'yun?-kilrhoy) un nga lang e di kami mabigyan ng pagkakataon. Ewan ko nga ba, malas nga kami na swerte eh, (malas at swerte? ano yun?-kilrhoy), malas kasi un nga, hindi tau tanggap ng lipunan, db?(may anak na lahat pinaghihiwalay pa din. tsk!-kilrhoy) Swerte, ako kase sa tagal ng pagsasama natin e hindi ka nang-iwan, naghanap ng iba (although nahuli kita niloloko mo ko!)(ANO?! wala nmn ako bubae..lalake meron nagpalit na ko ng brand. jumoin na ko sa federasyones!hahaha.-kilrhoy) Alam ko naman na binigay mo lahat sa akin. Wala na naman tayong ginawang mali lalo na kay Papa God di ba? Pero anyway enough na sa kasentihan! Hehe. Kaya yung mga nagbabalak dyan na magtanan dahil nagttrip lang...

Eh maghanap kayo ng ibang mas malalim na dahilan para magkapowers din kayo na harapin lahat hanggang sa dulo. Di ba papu? (tama po, at kung gagawin nyo nga eh tip lang lalo na sa mga pare, konting tibay lang ng sikmura lalo na at matapobre magiging byenan mo. Isipin mo lang ang kapakanan ng magiging asawa mo pati na rin ung magiging baby nyo:p)

Paano kung ayaw syo ng parents ng gelpleng(gf) mo o ng boypleng(bf) mo? Ayaw syo ng mga kaibigan at ultimo mga pinsan nya? Paano kung pati aso at pusa nya e ayaw syo? Anong gagawin mo? Minsan nasasabi ko na swerte talaga yung 2 tao na nag-i-ibigan kapag yung relasyon nila e aprubado ng pamahalaang pantahanan ng kanilang mga magulang. Walang problema..walang tinataguan..walang iniintindi na may makakita at kakantahan kayo ng "lagot ka! lagot ka!..isusumbong kita.."

Sa madali't sabi ay yung MALAYA kayo sa lahat ng bagay. Yung kapag may lakad kayo ay malaya kang maipagpaalam sya ng alam mong papayagan (kasi nga boto sayo sabay abot ng imported na brandy na nilalaon ng tatay mo sa cabinet nyo.=) Na kahit medyo late na kayo umuwi at sinimot nyo na halos lahat ng hamog sa lansangan e walang magagalit dhil may tiwala sila sayo (kasi nga boto sayo anu ba!--teta).

Yung kahit manuod kayo ng movie at halos memorized nyo na ung casts pati names ng mga stuntmen eh ok lang dahil walang tumatawag sa kanya kung nasaan na kayo at walang nanlilisik na matang nagaabang sa tarangkahan(gate-teta) nila at agad kang tatalilis pag naramdaman mong may parang inaawat sa loob ng bahay. Yun bang open kang dumalaw sa kanila at makipagkumustahan sa mga butiki at gagambang alaga nila at magpalipas ng oras kasama siya (at magpalipas na din ng gutom kasi papakainin ka ng gf mo at maganda pa dun e kasabay mo parents nla! kapal mo na nun! jowk! hahaha--teta) Ilan lang yan sa mga nde ko natikman nung nanliligaw pa ko sa wife ko.

Kaya nuong panahon ng mga lola't-lolo natin eh may paraan para mapalapit sa mga magulang ng napupusuan mong babae..nandyan yung...anu nga ba yun ma? (anu nga ba yun? tanong mo kaya kay lola?--teta)...yung sistemang pagiigib mo pa ng tubig sa balon na hinahagisan mo ng mamera sabay wish na matapos na paghihirap mo at sagutin ka na nya(gawin daw bang wishing well-teta).,aakyat ka sa puno ng buko at magkukudkod ka ng niyog at kakatasin mo pagkatapos para maging gata at yung buong puno nang bukong inakyat mo eh sisibakin mo nmn para gawing panggatong kasi ikaw ang magluluto at pagkaluto eh ikaw din ang kakain at sila ay magja-jollibee (Oo nga! wala kang take out kundi tirang french fries sa katabing table nla-teta)...yung mga ganun ba na una mo munang liligawan yung magiging byenan mo. Atleast sure ka na mapapasagot mo yung iniirog mo at sinisintang pururot. haha.

Yun nga lang bibilang ka daw ng ilang lunar eclipse bago mo mapasagot ung babae at magulang nya kesa tumandang binata ka di ba eh di magtyaga ka na lang at kpag inabot ka ng 50 years old at di ka pa din sinagot e magalaga ka na lang ng mga pamangkin mo..pero teka diba dedz na mga magiging byenan mo kapag 50 yrs old ka na o e di wala ka na palang papakisamahan at namayapa na sila eh konting tyaga na lang pla at malay mo bago kayo tumuntong sa sitenta (70 yrs. old?-teta) e sagutin ka na nya..yun magplano na kayo magpakasal at di nyo na kelangan mag-plano ng family planting (planning!-teta)kasi malabo na kayo magkaanak kasi binuro nyo na yang mga "senyo" nag-sara na ang pintuan ng kalangitan at wala pang "viagra" nun kundi tapal-tapal lang at pito pito kaya mag-aampon na lang kayo ng batang naulila sa katatapos na ikalawang digmaang pandaigdig na tinatampukan ng mga Hapon (japanese), Amerikano (Americanese? .jowk!-teta) syempre ang bida..Pinoy.....

.....itutuloy

Subscribe to: Posts (Atom)