MagTananTayo

Ginawa nmin mag-asawa tong blog hinde para ibuyo ang dalawang nagmamahalan pra magtanan kundi para makatulong, kapulutan ng aral at inspirasyon base sa experiences namin ng kami ay 2 beses magtanan.

Subscribe

Happy 20th Birthday!!!!!!!!

Posted by kilrhoy on Tuesday, October 7, 2008

Bilis ng panahon talaga ngaun...teka luma ng linya to.....parang kelan lang...luma na din...hirap naman mag-post kapag may pressure hinde dahil sa wala akong masabi kundi nakatingin ako sa orasang nakasabit dito sa computer shop kasi pang-isang oras lang ang pera ko at kelangan ko pang magpa-load ng kinse pesos pang-sulitxt...=>
Habang daan kabisado ko pa mga itatype ko..actually kanina pa ko excited mag-post dahil sumabay ang malakas na ulan kanina at sobrang nag-enjoy ako sa pagtatapon ng tubig mula sa mga sahod namin sa mga tulo sa bahay ngayun ko lang na-ipost...
Bertdey na ng babaeng nung una ko pa lang makita sabi ko na sa sarili ko "ung babae na to mas maganda paglaki (kasi dat time 15 or 16 years old lang siguro sya..) kung may mag-aalaga lang sa kanya ng totoo at darating ang araw makikilala ko din siya at magiging akin...wala lang sa loob ko pero seryoso ko habang nakaupo sa park nun at kasama mga tropa ko...may anghel nga atang nakarinig sa akin non dahil nag-dilang anghel nga ata ako at a year later lang nakilala ko nga siya at syempre naging kami nga! Naka-2 tanan kami at nag-kaanak ng poging poging bata...c Raz!
Ayaw ko maging "emo" o maging senti bertdey kasi nya at kahit di kami magkasama sa iisang bubong e sasalubungin ko ang bertdey nya ng isang mainit at bagong salang na kape!!!
Kahit inutil ako at walang na-produce na regalo sa kanya i hope na sana ma-appreciate nya tong munting pamamaraang naisip ko para batiin sya sa blog namin.
Ma..mahal na mahal na mahal kita at kahit na ilang beses ko pang ulitin sayo ang salitang yan na kung ilang libo ng pinabaduy sa mga pelikula at mga kanta e sana kiligin ka pa din lintek ka. hahaha. Sana mapasaya ka ng post ko na to at yung mga makababasa at nagbigay ng oras para basahin ito gusto kong maramdaman nila kung gaano at paano kita minahal. Tagay pa!!!!=>
Salamat sa understanding kahit na pangkaraniwan na sa atin ang away at naging libangan ko na ding awayin kita salamat po at andito pa din tayo. Patuloy pa kitang mamahalin at mamahalin kahit mag-sawa ka pa sa akin. I love you po...mahal na mahal ka namin ni raz. We love you. Mmmmmmwwwwaaaaahhhhh!!! luv u luv u po. Hapi bertdey ulet. (pa-burger ka naman...burger! burger!!!)
sige po time na ko ganun kabilis ang oras dito sa planet chupol.

2 comments:

David D'Angelo said...

Happy Birthday Teta! Sana maituloy ninyo ang blog na ito. Pasensya na rin kung mabagal ang pagtulong ko kasi amrami din ako inaasikaso pero I will help in everyway I can.

Ang importante sa blog ay unang-una content kaya dapat post lang ng post pag may pagkakataon.

HAPPY BIRTHDAY ULIT! ... at sana maging matatag kayo ni Emman.

David D'Angelo said...

Kelan ulit susunod na post? Miss ko na pagblog ninyo :)

Subscribe to: Post Comments (Atom)