MagTananTayo

Ginawa nmin mag-asawa tong blog hinde para ibuyo ang dalawang nagmamahalan pra magtanan kundi para makatulong, kapulutan ng aral at inspirasyon base sa experiences namin ng kami ay 2 beses magtanan.

Subscribe

Rykel Raz F. Asugas

Posted by teta on Tuesday, July 29, 2008

Eto ang aming baby. March 28,2008 ng pinanganak ko siya. 1 year and 4 months na siya ngayon. Naku madaming kakulitan ito sa buhay niya, kaya naman mahal na mahal siya ng mga lola at lolo niya. Sa side ng mama niya, 2nd siyang apo. Tatlo sila dahil magkapatid yung dalawa, pero kahit naman ganun eh bawat isa sa kanila eh may trademark na ugali. Kaya mahal na mahal nga silang tatlo..

Sa papa naman, ay naku, 1 and only to.. Kaya sunod lahat ng layaw, tsinelas, damit, pagkain, lahat talaga ng gusto binibili. Kaya yun, maliit palang kitang kita ng spoiled ang aming unico hijo..

Kagaya nga ng nasabi ko eh madaming kalokohan 'to sa katawan. (kanino pa nga ba magmamana?-kilrhoy) Mahilig manood ng tv, tapos may comment siya sa lahat ng commercial, e di pa naman marunong magsalita, di ko maintindihan sinasabi, kaya umaayon na lang ako sa kanya. Favorite niya yung colgate commercial, MGA colgate commercial! Gusto din niya yung mga commercial na may bandang kumakanta (di na nakakagulat..-kilrhoy), Clear shampoo, CreamSilk, yung ginisang gulay! Grabe talaga.. Yung "happy birthday!" ng axe, yung mga commercial na may mga baby..

Madalas din pag napagtripan niyang magkwento ng magkwento eh talaga namang walang puknat yun. Kaso nga lang di ko nga maintindihan. Haha. Interests naman..

Sobrang hilig niya sa mga toy cars, kahit anung may gulong gusto niya. Alam niya kung saan nakatago ang mga remote control na kotsi-kotsihan. Kaya yung youngest niyang pinsan lagi niyang nakakagalit dahil parehas nila gusto yung mga umaandar na bagay.
Mahilig din siyang maglaro ng cellphone, kunwari may tinatawagan. Yun madaldal paren..
Sad nga lang kasi hindi siya masyadong nagkakakain. Di siya mahilig, maaga ko pa naman siya tinuruan kumain ng solid o may body na pagkain. Yun simula ng nagka-pneumonia (severe) siya e nawalan na din diya ng appetite. Yun sayang..
Mahilig din maglaro sa labas kasama ang ate (niece namin.-kilrhoy) niya. Minsan hinahayaan ko din maglaro sa lupa kaso limited time lang, masyado pa kasing bata, pag pinasok ko na siya sa loob e siguradong magaaway kami.
Very happy baby, simula ng pagkabata niya eh hindi niya kami pinahirapan. Siyempre minsan nagttantrums pero normal lang, lalo na pag sleeping time na, wala kang magiging problema basta tatabihan mo lang siya. Sila lang madalas magkagalit ng papa niya eh. Pero sila lang din naman ang naglalaro. Kahit nung baby siya e nagka post partum depression din ako siyempre sa tulong din ng asawa ko at families namin eh nakaget over ako at swerte ako na masaya baby ko despite of what we went through ng papa niya. Db papu? (yes naman, lahat na ng pinagdasal ko na maging ang anak natin e natupad diba..-kilrhoy)

WE LOVE YOU RYKEL RAZ! YOU TAKE CARE. MAY GOD GUIDE YOU ALWAYS!

2 comments:

Anonymous said...

May award ako para sa inyo... http://todaysblogreview.blogspot.com/2008/09/entrecard-nonsense-and-sensible-award.html

David D'Angelo said...

Take care of your kid... am sure your kid will grow up as an asset and good citizen... kaya nyo lampasan ano mang problema.

Subscribe to: Post Comments (Atom)